Miyerkules, Pebrero 8, 2017

Ang kanin ay isang uri ng pagkain na hindi mawawala sa hapagkainan,isa sa mga paboritong kainin ng mga karamihan, at isa din  sa hindi dapat mawala sa pang araw-araw na kain natin. di baling walang ulam basta may kanin sapat na. tulad ng mga nakakarami ang kanin din ang isa sa mga importanteng pagkain naming mga maranao. hinding hindi ito nawawala sa aming hapagkainan. ang pinagkaiba nga lang ay ang kanin namin, ay kakaiba. kakaiba dahil may kulay ito na naghahatid ng sarap at saya sa pamilya. bukod sa kulay ay may panlasa din ito na tinatawag na turmeric na siyang nag sisislbing dahilan kong bakit nagkakakulay ito. ang kanin na ito ay kilala sa tawag na kuning na nagmula sa malay origin na mas lubos na kilala sa pangalang yellow rice.pero paminsan minsan ay tinatawag din na turmeric rice. inihahanda ito sa magarbong okasyon tulad ng kasal, pagbibinyag, at kapag ang iyong mga magulang o sino man sa inyong pamilya ang dumating galing sa meccah na nagsagawa ng pagalakbay sa banal na lugar. maaari din itong ihanda sa ordinaryong araw. ang maranao ay may espesyal na pamamaraan kung paano ito ihanda.

MGA SANGKAP:
*2 teaspoon peanut oil
*1 brown onion
*2 cups of medium grain-rice, rinsed
*1/2 teaspoon turmeric

PAMAMARAAN NG PAGLUTO:
1.Initin ang mantika sa kasirola na may katamtamang apoy
2.Pagkatapos uminit ng mantika ay isunod ang sibuyas at halo-haloin ito sa loob ng tatlong minuto o hanggang maging kulay kayumanggi ito.
3. ilagay ang bigas at turmeric at takpan sa loob ng labing limang minuto hanggang ang bigas ay maging malambot
4. pagkatapops maluto ay itabi na ito sa loob ng limang minuto upang pasingawan.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento